I said god damn...god damn!!! -- Mia Wallace after sniffing coke
mga magulang nga naman oo!
July 15, 2006
**tatlong henerasyon — the photo on your left shows my mom and my daughter wiqa…on your right shows the author plus of course wiqa
ang sabi ng ating mga magulang — mahirap magpalaki ng mga anak…
ang sabi ng mga anak — mahirap magpalaki ng mga magulang…
ang sabi naman ni ate vi sa pelikulang anak, hindi lahat ay nagiging magulang, pero lahat tayo ay mga anak
ano ba talaga?
i got the entry below via email. most of you have probably read it…tho it doesn't really answer the question…i just feel that at the end of each day nobody except our parents would give us unconditional love…
an excerpt from the daily script of our parents..
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga
mumunti ngunit
ginintuang butil ng payo na nakuha ko sa
aking mga
magulang:
1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO
APPRECIATE A JOB WEL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan,
doon kayo sa labas! Mga
leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa
carpet, magdasal ka na!"
3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE
LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong,
ako lang magisa ang
manonood ng sine."
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung
ano ang ibig sabihi ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan
talaga kita ng iiyakan mo!"
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung
ano ang CONTORTIONISM.
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng
leeg mo, tignan mo!!!"
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung
anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo
natatapos yang lahat ng
pagkain mo!"
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano
ang WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto
nyong magkapatid,
parang dinaanan ng bagyo!"
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay
tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa
mundong ito, maari rin
kitang alisin sa mundong ito."
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang
BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-
inarte na parang Nanay
mo!"
11. Si Inay naman ang nagturo kung
anong ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong
walanghiya!"
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa
amin kung anong ibig
sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang,
di ba kayo
nagpapasalamat at mayroon kayong
magulang na tulad namin?"
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng
ANTICIPATION.
"Sige kang bata ka, hintayin mong
makarating tayo sa bahay!"
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya
kung anong ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
15. Si Inay naman ang nagturo sa akin
kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng
pinaglalaruan mong lawnmower,
wag na wag kang tatakbo sa akin at
lulumpuhin kita!"
16. At ang pinakamahalaga sa lahat,
natutunan ko kina Inay at
Itay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng
anak,tiyak maging katulad mo
at magiging pasakit din sa ulo!"








